Upang Malaman Kung Paano Kumakatok ang Panginoon sa Pintuan, Kailangang Unawain muna Natin Kung Paano Darating ang Panginoon
Maraming tao ang nag-iisip na ang Panginoon ay dapat na dumating sa mga ulap sa mga huling araw batay sa mga propesiya sa Biblia. Sa katunayan, hindi lamang isang uri ng propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ang nasa Biblia. Iprinopesiya rin ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” (Lucas 17: 24–25). “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” (Mateo 24:27). Inuulit ng mga banal na kasulatang ito ang “Anak ng tao” at “ang pagdating ng Anak ng tao.” Pagdating sa “Anak ng tao, “tumutukoy ito sa Diyos na nagkatawang-tao. Kapag ang Panginoon ay dumating sa mga ulap, kung gayon ang lahat ng mga mata ay makikita Siya, lahat ng mga tao ay magpapatirapa sa lupa, at walang sinuman ang maglalakas-loob na labanan Siya. Kung gayon, paano matutupad ang propesiya na Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang ordinaryong tao tulad ng Panginoong Jesus, na hindi siya makikilala ng mga tao kahit na makita nila Siya. Sa gayon lamang sila lalaban at kukondenahin ang Diyos, at matutupad ang mga propesiya. Samakatuwid, maaari nating matiyak na ang Panginoon ay magpapakita at gagawa bilang nagkatawang-taong Anak ng tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig.”
Ngayon, nalaman natin na ang Panginoon ay darating sa katawang-tao sa mga huling araw. Kung gayon paano kakatok ang Panginoon sa ating mga pintuan sa pagdating Niya? I-click at basahin ang artikulong ito, at malalaman mo kung paano ang dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoon ay natutupad at matanggap ang Panginoon sa lalong madaling panahon.