Alam Mo Ba? Ang Panginoon ay Bumaba sa Gitna ng Tao nang Lihim Matagal ng Panahon
Sinasabi sa Pahayag 16:15 na, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.”
Sinasabi sa Mateo 24:44 na, “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.”
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling palaging kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang saloobin. … Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa.”
Matapos basahin ang mga banal na kasulatan at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mauunawaan natin: Ang propesiya sa Biblia na darating ang Panginoon na “gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagkatawang-tao at bababa sa gitna ng tao nang lihim. Mula sa labas, Siya ay kapareho ng isang karaniwang tao, kaya’t hindi natin Siya makikilala o mahahalata na Siya ang bumalik na Diyos kahit pa nakikita natin Siya. Ito ang totoong kahulugan ng lihim na pagdating. Ngayon, ang mga propesiya ng lihim na pagparito ng Panginoon ay natupad na, at ang Panginoon ay matagal nang bumalik bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Naririnig ito, maaari kang makaramdam ng pagkalito: Kung ang Panginoon ay darating sa isang lihim na paraan, paano matutupad ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon sa mga ulap?
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!