“Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” | Sipi 477

Welcome the Lord
4 min readDec 16, 2020

--

Kahit na ang mga likas na pagbubunyag ay naganap matapos simulang sundan ni Pedro si Jesus, sa kalikasan siya ay, mula noong pinakasimula, isang tao na handang magpasakop sa Banal na Espiritu at hanapin si Cristo. Ang kanyang pagsunod sa Banal na Espiritu ay dalisay: Hindi niya hinanap ang kasikatan at kayamanan, bagkus ay naganyak ng pagsunod sa katotohanan. Kahit na mayroong tatlong beses kung kailan itinanggi ni Pedro ang pagkakilala niya kay Cristo, at kahit na kanyang tinukso ang Panginoong Jesus, ang gayong maliit na kahinaang pantao ay walang kinalaman sa kanyang kalikasan, at hindi nito naapektuhan ang kanyang paghahabol sa hinaharap, at hindi kayang sapat na mapatunayan na ang kanyang panunukso ay isang kilos ng anticristo. Ang normal na kahinaan ng tao ay isang bagay na karaniwan sa lahat ng tao sa mundo — inaasahan mo bang si Pedro ay magiging iba sa kahit anong paraan? Hindi ba pinanghahawakan ng mga tao ang ilang mga pananaw tungkol kay Pedro dahil gumawa siya ng maraming hangal na pagkakamali? At hindi ba labis na hinahangaan ng mga tao si Pablo dahil sa lahat ng gawang kanyang ginawa, at lahat ng mga liham na kanyang isinulat? Paano kayang makakaya ng tao na maaninag ang kakanyahan ng tao? Tiyak na yaong totoong may katinuan ay kayang makita ang isang bagay na may ganoong kawalang-kabuluhan? Kahit na ang maraming taon ng masasakit na karanasan ni Pedro ay hindi naisulat sa Biblia, hindi nito pinatutunayan na si Pedro ay hindi nagkaroon ng mga totoong karanasan, o na si Pedro ay hindi ginawang perpekto. Paano kayang ang gawa ng Diyos ay maaarok nang buo ng tao? Ang mga nasusulat sa Biblia ay hindi personal na pinili ni Jesus, kundi pinagsama-sama ng mga sumunod na henerasyon. Sa ganitong paraan, hindi ba ang lahat ng naisulat sa Biblia ay napili ayon sa mga ideya ng tao? Higit pa rito, ang mga kapalaran nina Pedro at Pablo ay hindi lubos na naipahayag sa mga liham, kaya hinuhusgahan ng tao sina Pedro at Pablo ayon sa kanyang sariling pananaw, at ayon sa kanyang sariling kagustuhan. At dahil napakaraming ginawa si Pablo, dahil ang kanyang mga “ambag” ay lubos na dakila, nakuha niya ang tiwala ng mga masa. Hindi ba pinagtutuunan lamang ng pansin ng tao ang mga kababawan? Paano kayang makakaya ng tao na maaninag ang kakanyahan ng tao? Bukod pa rito, kung ganoong si Pablo ay naging layon ng pagsamba sa loob ng ilang libong taon, sino ang mangangahas na padalus-dalos na itanggi ang kanyang gawa? Si Pedro ay isa lamang mangingisda, kaya paano kaya ang kanyang ambag ay magiging kasing-dakila ng kay Pablo? Batay sa ambag, si Pablo ay dapat na ginantimpalaan bago si Pedro, at siya dapat ang higit na karapat-dapat na magtamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Sino ang maaring mag-akala na, sa Kanyang pagtrato kay Pablo, pinagawa lamang siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga talento, datapwa’t ginawang perpekto ng Diyos si Pedro. Hindi ito ang kalagayang ang Panginoong Jesus ay nakágáwâ ng mga plano para kina Pedro at Pablo mula noong kauna-unahan: Sila ay, sa halip, ginawang perpekto o pinagawa ayon sa kanilang mga kalikasan. At kaya naman, ang nakikita ng tao ay iyon lamang panlabas na mga ambag ng tao, samantalang ang nakikita ng Diyos ay ang kakanyahan ng tao, gayon na rin ang landas na tinatahak ng tao mula noong una, at ang pangganyak sa likod ng paghahabol ng tao. Sinusukat ng mga tao ang isang tao ayon sa kanilang mga pagkaintindi, at ayon sa kanilang mga sariling pandama, nguni’t ang pinakakatapusan ng isang tao ay hindi nalalaman ayon sa kanyang mga panlabas na katangian. At kaya sinasabi ko na kung ang landas na iyong tinatahak mula sa simula ay ang landas ng tagumpay, at ang iyong pananaw tungo sa paghahabol ay siyang tama mula sa pasimula, kung gayon ikaw ay parang si Pedro; kung ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kamalian, kung gayon anuman ang halagang iyong binabayaran, ang iyong katapusan ay mananatili pa ring katulad ng kay Pablo. Anuman ang kalagayan, ang iyong hantungan, at kung ikaw ay magtatagumpay o mabibigo, ay parehong nalalaman sa pamamagitan ng kung ang landas na iyong hinahanap ay siyang tama o hindi, sa halip na sa iyong pag-aalay, o sa halaga na iyong binabayaran. Ang mga substansya nina Pedro at Pablo, at ang mga layunin na kanilang hinabol, ay magkaiba; hindi kaya ng tao na tuklasin ang mga bagay na ito, at ang Diyos lamang ang maaaring makaalam ng mga iyon sa kabuuan niyaon. Sapagka’t ang nakikita ng Diyos ay ang kakanyahan ng tao, datapwa’t walang alam ang tao tungkol sa kanyang sariling substansya. Hindi kaya ng tao na makita ang substansya sa loob ng tao o ang kanyang totoong tayog, at sa gayon ay hindi kayang tukuyin ang mga dahilan ng kabiguan at tagumpay nina Pablo at Pedro. Ang dahilan kung bakit karamihan ng tao ay sinasamba si Pablo at hindi si Pedro ay dahil si Pablo ay ginamit para sa gawaing-bayan, at kaya ng tao na matalos ang gawaing ito, kaya’t kinikilala ng tao ang mga “tagumpay” ni Pablo. Ang mga karanasan ni Pedro, samantala, ay hindi nakikita ng tao, at yaong kanyang hinanap ay hindi kayang abutin ng tao, kaya’t walang interes ang tao kay Pedro.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

________________________________

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

--

--

Welcome the Lord
Welcome the Lord

Written by Welcome the Lord

Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?

No responses yet