Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin | Sipi 417
Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.
Ano ang kahalagahan ng panalangin?
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isang tao na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas inaantig ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.
Ano ang epekto na nakakamtan sa pamamagitan ng panalangin?
Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na natatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin — ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal
Ⅰ
Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa, at maging tapat. Sa Diyos tunay na makipagniig. ‘Wag Siyang lokohin sa magandang salita. Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa ‘yo, sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
Ⅱ
Pagdarasal isentro sa matatapos Niya ngayon. Hilinging mas malinawan ka, dalhin problema mo sa Kanya at iparating ang iyong pasiya. Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa ‘yo, sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
Ⅲ
Pagdarasal di para sumunod sa proseso kundi hanapin ang Diyos. Hilinging puso mo’y ingatan Niya. Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa ‘yo, sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin