Sa Mga Huling Araw, Paano Maging Mga Matalinong Dalaga sa Pagtanggap sa Panginoon
Tungkol sa kung paano magawang matanggap ang Panginoon, ang Panginoong Jesus ay minsang gumawa ng talinghaga tungkol sa mga matalinong dalaga at mangmang na dalaga. Ang mga matalinong dalaga ay maaaring dumalo sa piging ng kasal ng Cordero sa huli at mara-rapture sa harap ng trono ng Diyos, habang ang mga mangmang na dalaga ay mawawalan ng pagkakataon na masalubong ang Panginoon at matatangay ng mga sakuna na may labis na pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. Kaya paano tayo dapat maging mga matalinong dalaga sa pagtanggap ng Panginoon?
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Sa kabanata 2 at 3 ng Pahayag, iprinopesiya din ito nang maraming beses na: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia..”
Sabi ng salita ng Diyos na: “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos — sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!”
Makikita sa mga salita ng Diyos na ang Panginoon ay magpapahayag ng mga bagong salita sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Kapag narinig natin ang isang tao na nangangaral na ang Panginoon ay bumalik at nagpahayag ng mga bagong salita, sa gayon hanapin natin sa mga salitang ito upang malaman kung ang mga ito ang katotohanan. Kung ang mga ito nga ang talagang katotohanan at sa gayon tinanggap natin at magpasakop, nangangahulugan ito na tayo ay matatalinong dalaga sa pagtanggap sa Panginoon.
Mga kaibigan, nais ba ninyong maging mga matalinong dalaga at makinig sa mga salita ng nagbalik na Panginoon upang tanggapin ang Panginoon? I-click upang matingnan ang tampok na page ng mga salita ng Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan. Kung makikilala ninyo ang tinig ng Diyos mula dito, kung gayon magagawa ninyong matanggap ang Panginoon.
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
________________________________
Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na “langis”? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!