Dinirinig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos: Makikilala Mo ba ang Tinig ng Diyos?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito, mga sako ng laman na hindi nararamdaman ang kanilang sariling kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng “ama,” at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagmamasid at paghihintay ay hindi matutumbasan, at ang mga ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagmamasid at paghihintay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ang mga ito ay malapit nang magwakas. Nguni’t dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa miPanginoong Jesussmong sandaling ito.”
Pagkatapos basahin ang mga salitang ito, nararamdaman mo ba na ang mga salitang ito ay katulad ng mga salita ng Panginoong Jesus, puno ng pag-ibig ng Diyos at pagmamalasakit para sa sangkatauhan? Nararamdaman mo ba ang pangangalaga ng Lumikha at pagliligtas para sa sangkatauhan mula sa mga salitang ito? Bukod sa Lumikha, sino ang makapagsasalita sa lahat ng sangkatauhan? Sino ang direktang makapaghahayag ng mga intensyon ng Diyos? Tiyak, ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos. Nakikilala mo ba ang mga ito?
Ngayon ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Nagpahayag na Siya ng milyong mga salita na tiyak na ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia tulad ng ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag. Kung nais mong makinig sa higit pang mga pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos at salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon, huwag mag-atubiling mag-iwan ng komento sa ibaba o makipag-ugnayan sa amin sa Messenger.
________________________________
Ang mabuting balita ng Panginoon: Matagal nang nagkatawang-tao ang Panginoon at palihim na bumaba. Upang masalubong ang Panginoon, dapat nating hanapin at suriin ang mga salita ng Panginoon sa mga huling araw. Sa gayon lamang maaari tayong magkaroon ng pagkakataong masalubong ang Panginoon.