Mayroong Batayan sa Biblia para sa Panginoon na Bumalik sa Katawang-tao, ngunit Maaaring Hindi Mo Ito Pinansin
Kamakailan lamang, isang kaibigan ang nagpadala sa amin ng isang mensahe, nagtatanong, “Nakita ko ang inyong iglesia ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay magpapakita at isasagawa ang Kanyang gawain sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao sa Kanyang pagbabalik. Mayroon ba itong anumang batayan sa biblia?”
Sa katunayan, maraming propesiya sa Biblia tungkol sa aspetong ito, ngunit ito ay hindi natin pinapansin. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). Binabanggit ng mga propesiyang ito “ang pagparito ng Anak ng tao” at “ang Anak ng tao ay darating.” “Ang Anak ng tao” ay nangangahulugan na isang tao na ipinanganak ng tao at na kumakain, nagsusuot ng damit, namumuhay, at kumikilos na tulad ng isang regular na tao. Kuning halimbawa ang Panginoong Jesus. Mula sa panlabas, Siya ay hindi naiiba mula sa ibang mga tao, ngunit Siya ay ang Espiritu ng Diyos na binihisan ng katawang-tao na mayroong banal na diwa ng Diyos at kaya Niyang gawin ang sariling gawain ng Diyos. Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang ordinaryo, normal na tao Siya ay matatawag na Anak ng tao, habang ang espirituwal na katawan ng Diyos ay hindi matatawag ng ganito. Malinaw, mayroong batayan sa biblia para sa Panginoon na bumalik sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao upang magpakita at gumawa.
Kung nais mo pang may mas malaman tungkol sa katotohanan ng Diyos na nagkakatawang-tao sa mga huling araw at tanggapin ang Panginoon, mangyaring panoorin ang video: Palabas na Pelikula Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (3) “Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”
________________________________
Ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan na. Kaya, ano ang dapat nating sanayin upang masalubong ang Panginoon? Mayroong ilang mga paraan ng pagsasanay sa artikulong ito. Paki-click ito at hanapin ang kasagutan.
Rekomendasyon:
Topic sa pag aaral ng Bibliya — Debosyon sa Bibliya
Gospel for Today (Tagalog) — Mga Mensahe ng Pagbabalik ng Panginoon