Bumalik Ang Panginoon sa mga Huling Araw upang Magsagawa ng Gawain ng Paghatol sa Ganitong Paraan
Maraming mananampalataya sa Panginoon ay alam na ang Panginoon ay darating upang gumawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kung gayon paano darating ang Panginoon upang magsagawa ng gawain ng paghatol? Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22). “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).
Nabanggit ng mga banal na kasulatang ito ang Anak ng tao, na tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi matatawag na Anak ng tao. Ang ilang mga tao ay hindi naiintindihan kung bakit ang pangwakas na gawain ng paghatol ng Diyos ay hindi ginagawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos o tao, ngunit ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao upang gawin ito? Si Cristo ng mga huling araw — Makapangyarihang Diyos — ay dumating at inihayag ang misteryo na ito!
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at umiral din upang mas mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang mga anghel, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na ibihis ang katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ang digmaang ito ay mabibigo magpakailanman na kamtin ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas, at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at hindi kakayaning basta baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Hindi Niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang Niyang gumawa ng kaunting lumang gawain na hindi lumalampas sa mga prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta nakakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan, at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan.”
Ginawang napakalinaw ng mga salita ng Diyos ito! Ito ay ganap dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatuhan na ang Diyos ay nagkatawang-tao upang gawin ang gawain ng paghatol. I-click upang mapakinggan ang Pagpapanumbalik ng Wastong Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan, at pagkatapos ay maaari mong maunawaan ang higit pa tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!