Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tingnan natin itong sipi ng kasulatan: “At nang masabi Niya ang gayon, ay sumigaw Siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas….” Nang ginawa ito ng Panginoong Jesus, nagsabi lamang Siya ng isang bagay: “Lazaro, lumabas ka.” At sa gayon Si Lazaro ay lumabas mula sa kanyang puntod — ito ay naisakatuparan dahil sa nag-iisang linya na binigkas ng Panginoon. Sa panahong ito, hindi nagtayo ang Panginoong Jesus ng dambana, at hindi Siya nagpatupad ng anumang iba pang mga pagkilos. Nagsalita lamang Siya ng isang bagay. Matatawag ba itong himala o pag-uutos? O ito ay isang uri ng salamangka? Kung tutuusin, tila ito ay maaaring matawag na isang himala, at kung titingnan ninyo ito mula sa makabagong pananaw, mangyari pa maaari pa rin ninyo itong matawag na isang himala. Gayunman, tiyak na ito ay hindi maaaring tawaging isang orasyon upang tawagin pabalik ang isang kaluluwa mula sa patay, at lalong hindi pangkukulam. Tamang sabihin na ang himalang ito ay ang pinakakaraniwan, bahagyang pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Ito ang awtoridad, at ang kakayahan ng Diyos. May awtoridad ang Diyos na hayaang mamatay ang isang tao, hayaang lisanin ng kaluluwa ang kanyang katawan at bumalik sa Hades, o kung saan man ito dapat tumungo. Kapag ang sinuman ay namatay, at kung saan sila tutungo pagkatapos mamatay — ang mga ito ay pinagpapasyahan ng Diyos. Magagawa Niya ito anumang oras at kahit saan. Hindi Siya nababahala sa mga tao, mga pangyayari, mga bagay, espasyo, o lugar. Kung gusto Niyang gawin ito magagawa Niya ito, sapagkat ang lahat ng bagay at lahat ng buhay na nilalang ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, at ang lahat ng bagay ay lumalaganap, umiiral, at namamatay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at ng Kanyang awtoridad. Maaari Niyang buhaying muli ang isang taong patay — ito ay isa ring bagay na magagawa Niya anumang oras, kahit saan. Ito ang awtoridad na ang Lumikha lamang ang nagtataglay.”
“Nang ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang bagay gaya ng pagbuhay muli kay Lazaro mula sa patay, ang Kanyang layunin ay upang magbigay ng katunayan para sa mga tao at para kay Satanas na makita, at upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan, ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay pinagpapasyahan ng Diyos, at bagamat Siya ay nagkatawang-tao, gaya nang dati, nananatili Siyang may kapangyarihan sa pisikal na mundo na makikita at gayundin sa espirituwal na daigdig na hindi makikita ng mga tao. Ito ay upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan ay hindi nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Ito ay isang paghahayag at isang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, at ito ay isa ring paraan para sa Diyos na makapaghatid ng mensahe sa lahat ng bagay na ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang pagbuhay muli ng Panginoong Jesus kay Lazaro — ang ganitong uri ng pagharap ay isa sa mga pamamaraan ng Lumikha upang turuan at tagubilinan ang sangkatauhan. Ito ay isang kongkretong pagkilos kung saan ay ginamit Niya ang Kanyang kakayahan at awtoridad upang tagubilinan ang sangkatauhan, at upang magkaloob para sa mga tao. Ito ay isang paraan na walang mga salita para sa Lumikha na tulutan ang sangkatauhan na makita ang katotohanan na Siya ang may pamamahala sa lahat ng bagay. Ito ay isang paraan para masabi Niya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos na walang kaligtasan maliban sa pamamagitan Niya. Ang ganitong uri ng tahimik na mga pamamaraan ng Kanyang pagtatagubilin sa sangkatauhan ay tumatagal nang walang-hanggan — ito ay pamalagian, at nagdulot ito sa mga puso ng tao ng isang pagkagimbal at kaliwanagan na hindi kailanman maaaring kumupas. Ang pagkabuhay mag-uli ni Lazaro ay nakaluwalhati sa Diyos — ito ay may malaking epekto sa bawat isang mga sumusunod sa Diyos. Ito ay matatag na itinatakda sa bawat tao na nauunawaang mabuti ang pangyayaring ito, ang pananaw na tanging ang Diyos lamang ang makakapamahala sa buhay at kamatayan ng sangkatauhan”
Rekomendasyon:
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!